Saturday, October 06, 2007

Kagabi Nang Magkita si Tolits at Lolo Jose

Ako, lagi na lang ako!

‘Yun ang sabi ni Tolits kay Lolo Jose nang sila’y nagkita sa parke. Tinatanong ng nahuli kung sino ‘yung nakita niyang naka-dekwatrong umiinom ng kape sa SM Starbucks kahapon? Sino ang may malaking poster ng Liberty Statue sa kwarto? At sino ang may hawak ng librong Harry Potter 7?

Nakipagtitigan si Lolo Jose kay Che Guevarra sa t-shirt ni Tolits, at saka umiling. “Ako ba ay umaasa sa wala?”

Ilang segundong tumahimik ang paligid. Nakayuko si Tolits habang nakatitig sa mga tumutubong damo, at saka bumulong ng marahan, “Minsan pa’y babangon, ang aking Inang Bayan.”

1 comment:

regine iris said...

i can't remember the name of the journal pero IEMI ang pulisher. hehe. Filipino subject yun eh. I'll send back the title na lang if ever. TC! salamat din sa pagdaan.