Friday, December 03, 2004

Kuwentong Layap...

Bakit nga ba kuwentong layap? Sa totoo lang wala lang talaga akong maisip na iba, gusto ko lang makita 'yung salitang layap kasi paborito ko 'yun. Paborito ko kasi ang bulalakaw noon pa man e. 'Yung tipong minsan lang magbigay liwanag sa kalangitan subalit ang liwanag na ito ay napakamakasaysayan sa mata ng nakakita. Ang ganda di ba? Gusto ko kasi ganoon din ako o ang buhay ko e, gusto ko pag namatay ako maging bulalakaw ako sa buhay ng mga taong mahahalaga sa akin, iyong tipong hindi nila ako makakalimutan at nagmamarka ako sa talambuhay nila!

Kuwentong layap kasi gusto ko, kahit papaano ay maikuwneto ko ang aking buhay dito. Wala lang, gusto ko lang magbahagi ng mga bagay na sa tingin ko e, makasaysayan sa aking buhay. 'Yun nga lang hindi ko maipapangakong lagi akong maglalagay dito dahil una, naniniwala akong di lahat ay ibinabahagi lalo na kung tungkol sa buhay. Mahirap na, dati sobra na akong transparent sa iba kaya ngayon susubukan kong kahit papaano e may matira naman sa akin.

At siyempre, hindi lang ito kuwneto ng aking buhay kundi pati na rin ang mga malalapit sa akin. Sana lang makapagsulat ako ng marami!

No comments: